FeaturedLatest News

‘No parking’ sa Metro Manila tuwing rush hour, posibleng ipatupad sa Setyembre | News Light

Posibleng ipatupad ang malawakang ‘no parking’ scheme sa lahat ng lungsod sa Metro Manila pagdating ng Setyembre.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Posibleng ipatupad ang malawakang ‘no parking’ scheme sa lahat ng lungsod sa Metro Manila pagdating ng Setyembre.

Ito ngayon ang napagkasunduan sa pagpupulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Metro Manila Council (MMC) sa Camp Crame.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, magtatayo ng technical working group (TWG) para tukuyin kung aling mga kalsada ang sakop ng panukala.

Ilan sa mga ikinokonsiderang oras ng pagbabawal sa pagpaparada ay mula alas-singko ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi, o kaya’y alas-siyete hanggang alas-diyes ng umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi, batay sa panukala ng MMDA.

Tiniyak naman ni MMC president at San Juan Mayor Francis Zamora na mananatili ang implementasyon ng Mabuhay Lanes.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Zamora, magtatalaga ang bawat lokal na pamahalaan ng kinatawan sa TWG para tukuyin kung saan maaaring ipatupad ang no parking, time-limited, o one-side parking.

Giit ni Remulla, ang intensyon ay gawing mas “livable” ang Metro Manila.

Inaasahang magkakaroon na ng final version sa September 1.

What do you feel about this article?