Balitang A2ZLatest News

Mambabatas na nahuling nanonood ng cockfight video, hindi palalampasin ng ethics panel

Tiniyak ng House Committee on Ethics na hindi nito binabalewala ang viral na photo at video ng mambabatas na nahuling nanonood ng cockfight video habang nasa sesyon ang Kamara noong…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Tiniyak ng House Committee on Ethics na hindi nito binabalewala ang viral na photo at video ng mambabatas na nahuling nanonood ng cockfight video habang nasa sesyon ang Kamara noong July 28.

Ayon kay Committee Chair JC Abalos, may tamang proseso at mekanismo ang Komite para sa mga ganitong usapin.

Matatandaang nakilala na ang mambabatas na si AGAP Partylist Representative Bicanor briones, pero iginiit niyang hindi siya nanonood ng e-sabong.

Paliwanag ni Briones, may nagpadala sa kanya ng video clip ng sparring para imbitahan siyang mag-sponsor sa isang tradisyunal na derby.

ADVERTISEMENT

Samantala, haharap umano si Briones kung magdesisyon ang Ethics Committee na imbestigahan ito dahil wala umano siyang tinatago.

What do you feel about this article?