Balitang A2ZEntertainment

K-pop at K-drama superstars, bibisita sa Pilipinas ngayong Agosto

Nakapila na para bumisita sa Pilipinas ngayong Agosto ang ilan sa mga K-pop at K-drama superstars.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nakapila na para bumisita sa Pilipinas ngayong Agosto ang ilan sa mga K-pop at K-drama superstars.

Una na diyan ang award-winning actor na si Ju Ji-hoon para sa kanyang ‘Juniverse’ fan meeting sa Newport Performing Arts Theater sa August 2.

Susundan yan ni ‘Crash Landing on You’ star Hyun Bin na set to arrive sa August 8 hosted by Solaire Resort.

Habang ang K-pop girl group na UNIS na may Pinoy members na sina Elisia and Je-li ay may fan concert naman sa August 9 sa New Frontier Theater.

ADVERTISEMENT

Ilan pa sa mga naka line-up at inaasahang magco-concert at fan meet ay ang EXO star na si Doh Kyung Soo sa August 16 sa Bigdome at oppa korean superstar Park Bo-gum sa MOA Arena sa August 22.

What do you feel about this article?