Hindi bababa sa walong katao ang nasawi habang tatlo pa ang nawawala matapos ang matinding pagbaha at landslide sa Dien Bien Province sa hilagang bahagi ng Vietnam, ayon sa ulat ng Vietnam News Agency.
Dahil sa malalakas na pag-ulan, ilang lugar sa probinsya ay binaha at naapektuhan ng landslide, dahilan upang daang pamilya ang agad na lumikas at maraming lugar ang na-isolate.
Patuloy naman ang search and rescue operations para sa mga nawawala habang ang mga sugatang residente ay isinugod na sa mga ospital.


