Maaaring maurong sa taong 2027 ang rehabilitasyon ng EDSA, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Secretary Manny Bonoan, hindi pwede umpisahan ngayong tag-ulan at hindi rin puwede sa 2026 dahil sa pagho-host ng Pilipinas sa paparating na ASEAN.
Plano ring gawin na sa gabi ang mga gawain para maiwasan ang matinding trapiko.
Matatandaang inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo ang DPWH na pag-isipang mabuti ang pagsasaayos ng EDSA.
ADVERTISEMENT
Bahagi sana ng orihinal na plano ang “odd-even scheme” sa mga sasakyan na umani ng batikos mula sa publiko.

