Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos jr si Attorney Randy Escolango bilang bagong Undersecretary ng Department of Health kapalit ni Maria Rosario Vergeire.
Kinumpirma ng Executive Secretary Lucas Bersamin ang appointment letter ni Escolango.
Dati nang nagsilbi si Escolango bilang Undersecretary ng Department of Human Settlements, at ng Department of Labor, at dating Deputy Commissioner ng Insurance Commission.
Itinalaga rin siya noong 2024 bilang Undersecretary for Disaster Response sa ilalim ng Housing Department.
Habang kinumpirma ni Health Secretary Ted Herbosa na wala na sa ahensya si Vergeire at dalawa pang execom members.
ADVERTISEMENT
Samantala, itinalaga ng Department of Foreign Affairs si Ambassador Angelica Caraos Escalona bilang bagong tagapagsalita ng Kagawaran.
Pinalitan ni Escalona si Ambassador Teresita Saza na nagsilbing DFA Spokesperson mula noong 2022.
May halos 30 taong karanasan si Escalona sa diplomasya at nagsilbi siya sa mga misyon ng Pilipinas sa Toronto, Manado, Honolulu, Tokyo at Jakarta.


