Bad news po para sa ating mga motorista: dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang sasalubong sa inyo ngayong linggo.
Sa abiso ng Department of Energy, nasa ₱1.70 hanggang ₱1.90 ang dagdag sa bawat litro ng gasolina.
₱1.00 hanggang ₱1.20 naman sa kada litro ng diesel.
Habang ₱0.80 hanggang ₱1.00 naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
ADVERTISEMENT
Samantala, ang dahilan ng panibagong oil price hike ay bunsod ng posibleng magandang kasunduan ng European Union at Estados Unidos hinggil sa taripa at sa naging sanctions sa mga sellers ng Russian at Iranian oil.

