News LightLatest News

COMELEC, hinihikayat ang publiko na magparehistro para sa BSKE sa kabila ng posibleng pagkaantala nito | News Light

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko, lalo na ang mga bagong botante, na makilahok sa nationwide voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko, lalo na ang mga bagong botante, na makilahok sa nationwide voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Bagamat posibleng ma-postpone ang orihinal na petsa para sa BSKE, sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia na magkakaroon ng mas mahabang panahon ang voter registration, na muling bubuksan mula October 2025 hanggang July 2026.

Target ng ahensya ang mahigit isang milyong bagong registrants, kabilang na ang halos 500,000 kabataang edad 15–17 na unang beses pa lamang boboto.

Dahil diyan, inaasahang pipirmahan ni President Ferdinand Marcos Jr. sa August 12 ang iminungkahing panukala na makapagpapalawig ng isa pang taong termino sa mga kasalukuyang opisyal.

What do you feel about this article?