Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa August 12 ang panukalang batas na naglilipat ng 2025 Barangay at SK elections.
Ayon sa COMELEC, inabisuhan na sila ng Palasyo sa formal signing ng batas na nag-aayos ng termino at nagpapaurong ng halalan.
Gayunpaman, sinabi ng Palasyo na hintayin muna ang opisyal na aksyon ng pangulo dahil ang deadline sa pagpirma ay sa August 14.
Sa ilalim ng panukala, ililipat ang eleksyon mula December 1, 2025 patungo sa unang Lunes ng November 2026.
ADVERTISEMENT
Papalawigin din ang termino ng mga opisyal ng Barangay at SK mula 3 hanggang 4 na taon.

