Matapos ang 600 taon na pagkakahimbing, muling nag-alburoto at nagbuga ng abo ang isang bulkan sa Russia.
Huling pumutok ang Krasheninnikov Volcano noong 1463 pa.
Nitong Linggo, August 3, nagbuga ito ng higit 6 kilometrong ash plume.
Ayon sa Russian Emergency Ministry, walang banta sa kanilang populasyon ang pagputok ng bulkan.
ADVERTISEMENT
Pero sinundan ang pagputok ng magnitude 7 na lindol, dahilan para muling maglabas ng tsunami warning ang Russia.
Ayon sa mga eksperto, posibleng may koneksyon ang pagputok ng bulkan sa magnitude 8 na lindol na tumama sa Russia noong nakaraang linggo.

