Inaasahang aabot sa hanggang 17 bagyo ang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility mula August ngayong taon hanggang January 2026.
Ayon sa PAGASA, dalawang hanggang tatlo ang posible pang mabuo at pumasok na bagyo sa PAR ngayong Agosto.
Sa September at Oktober naman, dalawa hanggang apat na sama ng panahon ang papasok sa Pilipinas.
Tatlo naman ang inaasahan sa November, habang isa hanggang dalawa sa December.
ADVERTISEMENT
Habang may isang sama ng panahon naman na posibleng pumasok sa PAR sa unang buwan ng 2026.
Batay ang firecast sa 186th Climate Outlook Forum na ginanap noong July 29.

