Missing SabungerosBalitang A2Z

Atong Ang, nahaharap na sa kasong murder at serious illegal detention hinggil sa isyu ng mga nawawalang sabungero

Nahaharap na sa kasong murder at serious illegal detention ang negosyanteng si Atong Ang at iba pang sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nahaharap na sa kasong murder at serious illegal detention ang negosyanteng si Atong Ang at iba pang sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa complainant na si Ryan Bautista, na kapatid ng nawawalang sabungero, pormal nang naisampa ang reklamo sa tanggapan ng Department of Justice sa Maynila nitong Biyernes, August 1.

Sinamahan si Bautista ng ilang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG maging ng Philippine National Police.

Dumating din sa tanggapan si PNP Chief Police General Nicolas Torre III.

Hindi naman nagbigay na ng pahayag si Torre hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT

Matatandaang nitong Huwebes, inanusyo ng Philippine National Police na inaresto abroad ang dalawang kapatid ng whistleblower na si Julie Patidongan na nauugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kinilala ang mga suspek na sina Elakim at Jose Patidongan na pawang nadakip sa isang operasyon sa isang South East Asian country at ibinalik sa Pilipinas noong July 22.

What do you feel about this article?