Balitang A2ZLatest News

Anim na kasunduan, inaasahan pipirmahan ni PBBM sa kaniyang 5-day state visit sa India, ayon sa DFA

Nasa anim na kasunduan ang inaasahang mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang limang araw na state visit sa India mula August 4 hanggang 8.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nasa anim na kasunduan ang inaasahang mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang limang araw na state visit sa India mula August 4 hanggang 8.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sasaklaw ang mga kasunduang ito sa batas, kultura, agham at teknolohiya.

Sa ikalawang araw ng biyahe, makikipagpulong si Pang. Marcos Jr. kay Indian President Droupadi Murmu at sa pinuno ng ruling party na Bharatiya Janata Party.

Kasunod nito, lalahok ang pangulo sa mga business forum para magbigay ng foreign policy speech at makikipagpulong sa Indian media.

ADVERTISEMENT

Iginiit din ng kagawaran, na bunsod ng imbitasyon ni Indian Prime Minister Narendra Modi noong nakaraang taon ang pagbisita ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa India.

What do you feel about this article?