Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng ambulansya ang lahat ng lungsod at bayan sa Pilipinas bago matapos ang taon.
Sa tala, aabot na sa 1 thousand 67 ang bilang ng Local Government Unit na nabigyan ng ambulansya mula sa PCSO mula sa kabuuang 1 thousand 452 na LGU.
Ayon sa pangulo, mas binigyang prayoridad ang maliliit na bayan na walang kakayanang bumili ng serbisyong pang-emergency.
Tiniyak din ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi base sa pulitika ang pamamahagi ng mga sasakyan.
ADVERTISEMENT
Samantala, target din na magkaroon ng internet access ngayong taon ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Dagdag niya, may libreng data rin na ibibigay para sa mga mag-aaral.

