West Philippine SeaLatest News

AFP, nagbabala laban sa fake news kaugnay ng operasyon sa West Philippine Sea | News Light

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko laban sa pagkalat ng pekeng balita at disinformation kaugnay ng mga operasyon sa West Philippine Sea, matapos mapansin ang paggamit…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko laban sa pagkalat ng pekeng balita at disinformation kaugnay ng mga operasyon sa West Philippine Sea, matapos mapansin ang paggamit ng lumang video na pinalalabas bilang bagong insidente sa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP, isang Chinese-affiliated social media page ang naglabas ng ulat na diumano’y hinarang at hinila ng China Coast Guard ang mga resupply boats ng Pilipinas, ngunit lumang insidente pala ito na naganap pa noong nakaraang taon sa paligid ng BRP Sierra Madre.

Binigyang-diin ng AFP na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, at ang kanilang mga hakbang ay alinsunod sa Konstitusyon, UNCLOS, at 2016 Arbitral Award.

Hinikayat ng militar ang publiko na maging mapanuri at magtiwala lamang sa opisyal at mapagkakatiwalaang sources.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?