News LightFeatured

49% ng pamilyang Pilipino, itinuturing ang sarili na mahirap — SWS survey | News Light

Tinatayang 49% o humigit-kumulang 13.7 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap sa ikalawang quarter ng 2025, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Tinatayang 49% o humigit-kumulang 13.7 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap sa ikalawang quarter ng 2025, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa survey na isinagawa mula June 25 hanggang 29 sa 1,200 adults, 10% ng mga pamilya ang nagsabing sila ay nasa gitna ng pagiging mahirap at hindi mahirap, habang 41% naman ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ayon sa SWS, ang 49% ay mas mababa ng one percentage point kumpara sa 50% na naitala noong unang quarter ng taon.

Ang survey ay may sampling error margin na ±3%.

What do you feel about this article?