Balitang A2ZImpeachment Trial ni VP Sara

19 senador, pabor sundin ang desisyon ng SC hinggil sa impeachment case sa VP Sara Duterte ayon kay Sen. Jinggoy Estrada

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nasa labingsiyam hanggang dalawampung senador ang pabor sundin ang Supreme Court ruling sa pagharang sa impeachment trial ni Vice President Sara…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nasa labingsiyam hanggang dalawampung senador ang pabor sundin ang Supreme Court ruling sa pagharang sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Batay ito sa naging all-senator caucus kung saan tinalakay ang unanimous na desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Pinagbasehan ni Sen. Jinggoy ang mga umano’y sentimyento, body language, at mga pahayag ng mga kasamahan kahit na wala pang trial na isinagawa.

Magkakaroon daw kasi ng constitutional crisis kung tataliwas ang Senado sa Supreme Court.

ADVERTISEMENT

Nakatakda sana ang botohan sa August 6 kung susundin ng Senado ang desisyon ng Korte at maaari pa ring ituloy kahit pa may maghain ng motion for reconsideration.

What do you feel about this article?