Balitang A2ZLatest News

SP Escudero, dinipensahan si Sen. Villanueva sa anomalya sa flood control project funds

Dinipensahan ni Senate President Francis Escudero si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa ilang nag-uugnay na may kinalaman ang dalawa sa maanomalyang paggasta ng flood control project funds.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Dinipensahan ni Senate President Francis Escudero si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa ilang nag-uugnay na may kinalaman ang dalawa sa maanomalyang paggasta ng flood control project funds.

Giit ni Escudero, kinatawan ng CIBAC Partylist si Villanueva nang mapabilang sa Kongreso kung saan pagsugpo sa korapsyon ang pangunahing layunin, kaya’t kabaliktaran umano kung makikisali ang mambabatas sa pagnanakaw ng kaban ng bayan.

Nauna nang sinabi ni Escudero na umano’y isang ‘demolition job’ sa kanilang dalawa lalo’t si Villanueva ang napipisil niyang maging majority leader bago pa magbukas ang 20th Congress.

Pinasalamatan naman ni Villanueva si PBBM, matapos mabanggit ang isyu ng flood control projects funds sa SONA nitong Lunes na makailang beses na ring sinisita ni Villanueva sa Senado.

What do you feel about this article?