Balitang A2ZLatest News

Senate inquiry kaugnay sa epekto ng online gambling, bubuksan ni Sen. Erwin Tulfo

Paiimbestigahan ni Senate Committee Chairman on Games and Amusements Senator Erwin Tulfo ang epekto ng online gambling sa lipunan at sa bansa.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Paiimbestigahan ni Senate Committee Chairman on Games and Amusements Senator Erwin Tulfo ang epekto ng online gambling sa lipunan at sa bansa.

Iginiit ni Tulfo na dapat itigil na ito sa buong bansa dahil higit na ang perwisyong dulot nito kumpara sa kitang naibibigay sa gobyerno.

Iimbitahan niya ang PAGCOR, Department of Finance, mga e-wallet companies, at social media platforms sa pagdinig para makita ang kanilang panig.

Giit ni Tulfo, para na itong “kanser sa lipunan” kung saan marami nang nalululong at walang nagagawang solusyon.

What do you feel about this article?