Balitang A2ZLatest News

PBBM, nakatakdang bumisita sa India ngayong Agosto

Matapos ang nakaraang US state visit, nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India ngayong Agosto.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Matapos ang nakaraang US state visit, nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India ngayong Agosto.

Iniimbitahan si Marcos Jr. ni Prime Minister Narendra Modi kasabay ng pagdiriwang ng 75 taon ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at India.

Nakatakda ang kanyang 5-day state visit sa August 4 hanggang 8 kung saan makikipagpulong si PBBM sa mga negosyante sa New Delhi at Bangalore.

Makikipagkita rin ang pangulo sa Filipino community sa New Delhi.

ADVERTISEMENT

Matatandaang 2007 pa nang huling bumisita ang pangulo ng Pilipinas sa India sa pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Habang 2019 naman nang bumisita sa Pilipinas si dating Indian President Ram Nath Kovind.

What do you feel about this article?