Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Antonio Nafarrete bilang bagong Commanding General ng Philippine Army kapalit ni Lt. Gen. Roy Galido na nagretiro na.
Isinagawa ang change of command ceremony sa Camp Aguinaldo kung saan binigyang-pugay din ni Marcos si Galido sa pamamagitan ng Presidential Legion of Honor Award.
Inatasan ni PBBM si Nafarrete na pangunahan ang direksyon ng bansa sa panahon na tumataas ang global geopolitical tension.
Tinawag ng pangulo na “matibay na haligi ng propesyonalismo at integridad” ang Hukbong Katihan sa ilalim ng pamumuno ni Nafarrete.
Prayoridad naman ni Nafarrete ang “human capital development” na layong palakasin ang kanilang hanay.
ADVERTISEMENT
Kapwa miyembro ng PMA Bigkis Lahi Class of 1990 sina Galido at Nafarrete, na dating Western Mindanao Command Chief at 6th Infantry Division Commander.

