Pumanaw na ang asawa ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes.
Kinumpirma yan mismo ng comedian-actress sa kanyang Instagram.
Sa naturang post, ibinahagi ni Rufa Mae ang mga larawan kasama ang yumaong asawa, kalakip ang ilang mensahe para kay Trevor.
Nilinaw rin ni Rufa na hindi pa tiyak ang eksaktong detalye kaugnay sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawa.
ADVERTISEMENT
Umani naman ng simpatya mula sa mga kasamahan sa industriya at tagahanga ang nakakalungkot na balita.
Maaalalang kamakailan lamang nang inamin ni Rufa Mae sa isang panayam na mahal na mahal pa rin niya si Trevor ngunit kailangang maghiwalay dahil sa mga isyu sa kanilang relationship at pamilya.


