Balitang A2ZEntertainment

Alex Eala, hindi na makakalaro sa Cincinnati Open dahil sa shoulder injury

Kinumpirma ng Womens Tennis Association na hindi na makakasali si Filipina Tennis Star Alex Eala sa Cincinnati Open dahil sa shoulder injury na iniinda niya.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Kinumpirma ng Women’s Tennis Association na hindi na makakasali si Filipina Tennis Star Alex Eala sa Cincinnati Open dahil sa shoulder injury na iniinda niya.

Papalit sa kanya sa main draw si Mexican Player Renata Zarazua.

Matatandaang kakagaling lang ni Eala sa Montreal Open, kung saan natalo siya kay dating Wimbledon Champion Marketa Vondrou-Sova sa isang mahirap na match.

Sa kabila ng pagkatalo, nagpasalamat si Eala sa karanasan at sinabing oras naman na para magpahinga at mag-recover.

ADVERTISEMENT

Samantala, magugunitang sinabi naman ni Eala na balak niyang sumali sa mga tournament tulad ng Southeast Asian games sa Thailand sa susunod na taon.

What do you feel about this article?