Balitang A2ZImpeachment Trial ni VP Sara

VP Sara Duterte, nagpasalamat sa mga tagasuporta matapos ideklara ng SC na ‘unconstitutional’ ang kaniyang impeachment case

Binasag na ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang katahimikan kaugnay sa deklarasyon ng Korte Suprema na "Unconstitutional" ang inihaing articles of impeachment ng House of Representatives laban sa kanya.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Binasag na ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang katahimikan kaugnay sa deklarasyon ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang inihaing articles of impeachment ng House of Representatives laban sa kanya.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni VP Sara ang kaniyang legal defense team na nag-aasikaso ng kaniyang impeachment case.

Partikular din niyang pinasalamatan ang petitioners sa ilalim ng G.R. No. 278359 dahil sa aniya’y paghamon sa conviction.

Samantala, umaasa naman si dating Associate Justice Antonio Carpio na mababaligtad pa ng Korte Suprema ang ruling nitong “unconstitional” hinggil sa impeachment case laban kay VP Sara.

Giit ni Carpio, may pagkakamaling faktwal sa desisyon ng Korte Suprema, na nagbase sa rule na bawal ang higit sa isang impeachment sa loob ng isang taon.

ADVERTISEMENT

Aniya, nasa archive ang tatlong naunang reklamo at hindi umabot sa trial. Habang ang pang-apat na reklamo lamang ang na-endorse sa senado kaya maliwanag, aniya, na hindi dapat isama sa one-year bar ang pang-apat na reklamo.

Kasama niyang nanawagan na baligtarin ng desisyon ang 1986 constitutional commission member na si Christian Monsod.

What do you feel about this article?