Kinumpirma ni PCO Acting Secretary Dave Gomez na mananatili si Undersecretary Claire Castro bilang press officer ng Palasyo.
Ayon kay Gomez, ginagampanan ni Castro nang maayos ang kanyang tungkulin.
Ayon sa Special Order no. 25-174, si Castro ang nangangasiwa sa mga media briefings ng PCO at Office of the President.
Sa ibang balita, nag-inspeksyon sina Transportation Secretary Vince Dizon at Pasig Mayor Vico Sotto sa Ortigas Station ng Metro Manila Subway project para ayusin ang right-of-way issue.
ADVERTISEMENT
Ito’y bilang tugon sa utos ng pangulo na bilisan ang pagkumpleto ng mga flagship infrastructure projects.
Ayon kay Sec. Dizon, Ortigas Station na lang ang natitirang balakid sa proyekto.

