Balitang A2ZLatest News

Presyo ng gulay sa Kamuning market, tumaas dahil sa epekto ng bagyo at habagat

Tumaas ang presyo ng gulay sa Kamuning market sa Quezon City dahil sa mga bagyo at habagat na sumalanta sa bansa noong nagdaang linggo.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Tumaas ang presyo ng gulay sa Kamuning market sa Quezon City dahil sa mga bagyo at habagat na sumalanta sa bansa noong nagdaang linggo.

Pumalo na ang presyo ng carrots sa ₱200 hanggang ₱250 kada kilo mula sa dating ₱150 hanggang ₱180 kada kilo lamang, ang ampalaya naman nasa ₱200 na kada kilo.

Ang kada kilo ng sitaw naman ay umaabot na sa ₱140 o ₱60 per bundle.

Habang ang repolyo aabot na sa ₱90 kada kilo habang ₱170 naman ang kada kilo ng talong.

Naglalaro naman sa ₱150 hanggang ₱160 kada kilo ang pulang sibuyas, habang nasa ₱140 hanggang ₱160 naman ang kada kilo ng bawang.

ADVERTISEMENT

Ang kamatis ay nasa ₱70 hanggang ₱90 bawat kilo.

Giit ng mga nagtitinda, nasira ang mga tanim at nahirapan ang pagde-deliver dahil sa baha, landslide, at lubak-lubak na daan.

What do you feel about this article?