PoliticsFeatured

Mambabatas na naaaktuhang nakatutok sa umano’y e-sabong habang nasa sesyon ng Kamara, lumantad at dumepensa | News Light

Lumantad na ang mambabatas na nag-viral matapos siyang maaktyuhan na nanonood ng online sabong habang nasa sesyon ng Kamara noong Lunes, araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Jomar Villanueva · · Updated · 2 min read

Lumantad na ang mambabatas na nag-viral matapos siyang maaktyuhan na nanonood ng online sabong habang nasa sesyon ng Kamara noong Lunes, araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pag-amin ni AGAP Party-list Representative Nicanor Briones, siya ang mambabatas sa mga viral photo na kuha ng media.

Pero depensa ng mambabatas, hindi siya tumataya sa e-sabong.

Hindi rin umano siya gumagamit ng online gaming, at wala siyang money transfer kaugnay sa online sugal.

ADVERTISEMENT

Binuksan niya lang umano ang video link na ipinadala ng kanyang pamangkin.

Pagdidiin ng mambabatas, nilabag ng ilang miyembro ng media ang kanyang privacy at hindi kinumpirma kung e-sabong ba talaga ang pinanonood niya.

Sa kabila nito, wala umanong balak ang mambabatas na sampahan ng kaso ang mga kumuha ng larawan.

At maghahain siya ng panukala para sa total ban ng e-sabong at iba pang uri ng sugal.

ADVERTISEMENT

Samantala, umarangkada na rin ang pagtalakay ng Senado hinggil sa e-sabong at iba pang online sugal nitong Miyerkules.

Dito, kinuwestyon ng ilang senador ang katayuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang regulator at operator ng online sugal.

Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung dapat bang manatili ang dual role ng PAGCOR.

Habang nanawagan si Senator Migz Zubiri kay Pangulong Marcos Jr. na magsalita laban sa online sugal.

ADVERTISEMENT

Isa ang online gambling sa mga isyu na hindi nabanggit ng Pangulo sa kanyang SONA.

Si Zubiri at Villanueva ay ilan sa mga senador na nagsusulong ng total ban sa online gambling sa bansa.

What do you feel about this article?