SportsFeatured

Filipinas, sisimulan ang depensa sa MSIG Serenity Cup laban sa Timor-Leste | News Light

Bubuksan ng Philippine Women’s National Football Team ang kanilang kampanya para sa 2025 ASEAN MSIG Serenity Cup sa laban kontra Timor-Leste sa Agosto 7, 8:30 p.m., oras ng Pilipinas, sa…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Bubuksan ng Philippine Women’s National Football Team ang kanilang kampanya para sa 2025 ASEAN MSIG Serenity Cup sa laban kontra Timor-Leste sa Agosto 7, 8:30 p.m., oras ng Pilipinas, sa Viet Tri Stadium, Phu Tho, Vietnam.

Kasama sa Group B ang Pilipinas, Australia, Timor-Leste, at Myanmar.

Muli ring makakaharap ng Filipinas ang powerhouse team na Australia sa group stage, na maaaring maging patikim sa inaasahang salpukan sa 2026 AFC Women’s Asia Cup.

Determinado ang Filipinas na ipagtanggol ang kanilang titulo sa gitna ng matitinding kalaban sa torneo.

What do you feel about this article?