Isiniwalat ni Justice Chief Crispin Remulla na isang bungo ng tao ang natagpuan ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake nitong Martes, July 29, sa gitna ng nagpapatuloy na operasyon upang mahanap ang mga nawawalang sabungero.
Giit ng kalihim, ang dental records ng natagpuang bungo ang siyang panghahawakan ng ahensya upang mapabilis ang imbestigasyon kung sa mga biktima nga ang natagpuang labi.
Mas magtatagal raw kasi kung isasailalim pa ng Philippine National Police sa DNA testing ang bungo.
Natagpuan ang bungo sa lugar na unang itinuro ng whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy”, kung saan umano inilibing ang mga bangkay.
ADVERTISEMENT
Kinumpirma din ng kalihim na ang ni-relieve na police commander na naka assign sa operasyon, alinsunod sa hiling ng whisteblower, ay sangkot sa isyu ng paninira sa kumantang witness.



