Isinusulong ni Senator Panfilo Lacson ang pagpasa ng “Anti-Political Dynasty Act of 2025” upang ipatupad ang probisyon ng 1987 Konstitusyon na nagbabawal sa political dynasties at nagsusulong ng pantay na oportunidad sa pampublikong serbisyo.
Sa panukalang Senate Bill No. 35, ipinagbabawal ang pagtakbo sa parehong lungsod o probinsya ng asawa o kaanak hanggang ikalawang antas ng pagkakamag-anak ng isang incumbent na tumatakbo muli sa parehong halalan.
Nilalayon ng panukala na panatilihin ang balanse sa pagitan ng soberanya ng mga botante at ng panganib ng pamamayani ng political dynasties.
Ipinagbabawal din nito ang sabayang pagtakbo ng dalawang magkamag-anak sa parehong lungsod o probinsya kahit wala silang kaugnayan sa incumbent.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Lacson, matagal nang kinikilala ng estado ang masamang epekto ng political dynasties, ngunit nananatiling walang batas na pumipigil dito.

