Isiniwalat ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police na halos karamihan sa 12 opisyal ng pambansang pulisya na sangkot sa missing sabungero case ay may dati nang kasong administratibo.
Ayon kay Attorney Brigido Dulay ng PNP-IAS, naisumite na nila sa National Police Commission ang mga administrative records ng mga nasabing pulis.
Sinampahan na ng NAPOLCOM ng grave misconduct, irregularities sa duty, at conduct unbecoming of a police officer ang 12 suspek.
Batay ang mga kaso sa salaysay ng whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy”, at iba pang complainants.
ADVERTISEMENT
Habang tumanggi naman si Dulay na isa-isahin ang mga dating kaso, pero kumpirmadong mahigit kalahati sa 12 ang dating sangkot na sa iba’t ibang administrative offenses.

