Health & ScienceLatest News

Zero balance billing policy, unang ipatutupad sa mga DOH-controlled na ospital | News Light

Kasunod ng inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong SONA ukol sa zero balance billing policy sa mga ospital, nilinaw ng Department of Health na sa DOH-managed na ospital muna…

Carlene Latuna · · 1 min read

Kasunod ng inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong SONA ukol sa zero balance billing policy sa mga ospital, nilinaw ng Department of Health (DOH) na sa DOH-managed na ospital muna ipapatupad ang naturang polisiya.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, sa 87 na ospital sa ilalim ng ahensya unang ipatutupad ang zero balance billing policy para sa mga basic accommodations.

Dahil dito, hinimok niya ang publiko na humiling ng basic accommodation kung magpapatingin sa DOH hospitals upang makuha ang benepisyo ng programa.

Kasama na sa babayaran ng pamahalaan ay ang bayad sa doktor at nilinaw pa ni Domingo na hindi na kakailanganin ang mga guarantee letter mula sa mga politiko.

What do you feel about this article?