Iginigiit ni Senate President Chiz Escudero na dapat irespeto ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment kay Vice President Sara Duterte dahil kung hindi, maaaring mauwi ito sa constitutional crisis.
Aniya, hindi na puwedeng mag-convene bilang impeachment court ang Senado dahil wala na ito sa kanilang jurisdiction.
Sa halip, dapat na aniyang pag-usapan na lamang ang isyu sa regular na sesyon at ituloy ang pagsingil sa mga opisyal na dapat panagutin.

