Balitang A2ZFeatured

Paglilitis sa kaso ni Teves, umusad na; pre-trial, posibleng umabot sa 2026 ayon sa abugadong si Atty. Topacio

Umusad na ang pre-trial sa tatlong kasong kriminal laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., kabilang ang dalawang kasong murder at isang illegal possession of firearms.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Umusad na ang pre-trial sa tatlong kasong kriminal laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., kabilang ang dalawang kasong murder at isang kaso ng illegal possession of firearms.

Lumahok si Teves sa pagdinig via video conference mula sa kaniyang kinaroroonan.

Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, humiling sila na muling ipaharap ang mga saksi para sa cross-examination.

Nakatakdang magtagal ang mga pagdinig hanggang taong 2026, at naka-schedule na ang susunod na hearing sa Lunes, August 4.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?