Sinampahan na ng National Bureau of Investigation ng kasong misrepresentation ang Chinese national na nagpanggap umanong isang Pilipina.
Nahuli si Wang Xiu-Jun sa airport nitong July 13 habang bitbit ang mga pekeng dokumento gaya ng Philippine passport, birth certificate, at investor’s visa.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang inarestong dayuhan. Ayon sa NBI, una siyang nagpakilala bilang si ‘Casia Palma Poliquit’ pero lumabas sa fingerprint matching na ginamit niya rin ang pangalang Wang Xiu-Jun sa isang NBI clearance noong 2021.

