InternationalLatest News

9 Pilipinong tripulante ng MV Eternity C, hawak ng Houthi rebels – DMW | News Light

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na hawak ng Houthi rebels ang siyam na Pilipinong tripulante ng MV Eternity C vessel.

Carlene Latuna · · 1 min read

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na hawak ng Houthi rebels ang siyam na Pilipinong tripulante ng MV Eternity C vessel.

Noong Hulyo 7, inatake ng mga Yemeni Houthi ang cargo ship sa pamamagitan ng mga sea drones at granada.

Tiniyak naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang masiguro ang kaligtasan ng mga tripulante.

Dagdag pa niya, bago pa ilabas ng Houthi ang video na nagpapakita sa mga Pilipinong hawak nila, natawagan na ng mga tripulante ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, makikipagtulungan sila sa ibang mga bansa upang mapalaya na ang siyam na Pilipino.

Magugunitang noong July 17, nakauwi na ng Pilipinas ang walo sa mga tripulante samantalang tatlo ang nasawi.

What do you feel about this article?