Balitang A2ZLatest News

2 pumuga sa Batangas Provincial Jail, naaresto na; PNP, gumamit ng drone thermal para matukoy ang lokasyon ng tumakas na PDL

Nahuli na ang dalawang huling pumugang preso sa Batangas Provincial Jail.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nahuli na ang dalawang huling pumugang preso sa Batangas Provincial Jail.

Gabi na ng Lunes, July 28 nang maaresto ang ikasiyam na person deprived of liberty o PDL sa kakahuyan ng Brgy. Salaban 1, Ibaan, Batangas, kasunod ang pangho-hostage ng bus sa Star Tollway, malapit sa boundary ng Sto. Tomas at Tanauan.

Gumamit ang pulisya ng drone na may thermal at night vision capabilities para matukoy ang eksaktong kinaroroonan ng isa sa mga pumugang preso.

Nahuli rin ang ikasampung PDL sa Brgy. Sta. Maria, Bauan, Batangas.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?