Planetshakers, matagumpay na naisagawa ang 5-day worship night sa Pilipinas | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Libu-libong mga Pilipino ang nagpuri at sumamba sa Panginoon sa nagdaang 5-day sold out worship night ng Australian contemporary worship band na Planetshakers.

Katulad ng nasambit sa kanilang awitin, Endless Praise ang inihandog ng banda at ng mga attendees ng kanilang worship night na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Bukod sa pagkanta ng kanilang hits na Nothing Is Impossible, Turn It Up, at This Is Our Time, nag-record din ng panibagong kanta ang Planetshakers kasama ang Filipino crowd.

Sa kalagitnaan ng worship night, inihatid rin ng kanilang drummer na si Pastor Andy Harrison ang magandang balita ng kaligtasan na mula sa Diyos.

Binigyang-diin niya na ‘Jesus is Lord’ sa Pilipinas at sa buong mundo.

ADVERTISEMENT

Naglaan rin ng oras ang banda para ipanalangin ang bansa at ang mga nasalanta ng nagdaang mga bagyo.

Tunay ngang nabigyan ng papuri ang Diyos sa isinagawang worship night mula Miyerkules hanggang Linggo.

Indeed, Jesus reigns!