Bukod kay Vice President Sara Duterte, nagpasya ring hindi dumalo ang apat na senador na kaalyado ni dating Pang. Rodrigo Duterte, sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pang. Bongbong Marcos Jr.
Kabilang sa mga hindi dumalo,ang mismong kapatid ng pangulo na si Senator Imee Marcos, Senator Ronald Dela Rosa at Senator Bong Go.
Habang si Senator Robin Padilla, sinabing protesta ang kanyang desisyon na hindi pagdalo sa SONA, dahil aniya sa patuloy na pagkakapiit ng dating pangulo, sa kustodiya ng International Criminal Court.


