Matapos ang talumpati ng pangulo ukol sa estado ng bansa, kanya-kanyang reaksyon na ang ilang mambabatas ukol sa naging laman nito.
Mayroong nagbaba ng incomplete na grado, meron namang pasang-awa, at mayroon ding nagbigay ng passing grade.
Pero para kay Sen. Joel Villanueva, nanghihinayang siya na hindi man lang napatungkol ni PBBM ang kanilang panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang online gambling sa bansa.


