Iginiit ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na walang nagugutom sa Gaza sa kabila ng mga larawang nagpapakita ng malawakang kagutuman sa lugar.
Aniya, nagpapasok ang Israel ng tulong, kabilang ang halos dalawang milyong tonelada ng pagkain base sa international law mula nang simulan ang digmaan.
Inihayag din ng Israel ang sampung oras na tigil-putukan araw-araw at pagbukas ng bagong aid corridors kasabay ng pagpapaabot ng tulong at suplay ng Jordan at UAE.
Matatandaang nahaharap sa matinding batikos ang Israel sa gitna ng lumalalang krisis sa Gaza, na itinatanggi naman ng gobyerno.
ADVERTISEMENT
Habang bumagsak naman ang indirect ceasefire talks sa Doha sa pagitan ng Israel at Hamas at wala pa muling kasunduang nabubuo.


