Sabay sa huling State of the Nation Address ni Dating Pang. Rodrigo Duterte at sa unang olympic gold medal ng Pilipinas, hatid ni Hidilyn Diaz, gumawa rin ng kasaysayan ang Balitang A2Z.
Unang sumahimpapawid ang programa bilang flagship newscast ng noo’y bagong tatag na A2Z Channel.
At mula noon, gabi-gabi nang present ang Balitang A2Z sa pagbabalita.


