PoliticsLatest News

Abogado ni Duterte, umaasang papayagan ang interim release ng ICC | News Light

Inihayag ni Nicholas Kaufman, abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakuha na sila ng mahalagang impormasyon para suportahan ang kanilang hiling na pansamantalang pagpapalaya o interim release mula sa…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Inihayag ni Nicholas Kaufman, abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakuha na sila ng mahalagang impormasyon para suportahan ang kanilang hiling na pansamantalang pagpapalaya o interim release mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang panayam, sinabi ni Kaufman na patuloy ang kanilang pagsisikap upang makuha ang lahat ng dokumentong kinakailangan bago tuluyang ituloy ang kanilang aplikasyon.

Aminado si Kaufman na dati nilang hiniling sa ICC na ipagpaliban muna ang desisyon kaugnay ng kanilang hiling na pansamantalang pagpapalaya upang hindi maging “half-hearted” ang kanilang argumento.

Paliwanag pa ng abogado, bihirang mapayagang makalaya ang mga akusado sa kasong “atrocity crimes” tulad ng crimes against humanity o war crimes.

Gayunman, iginiit niyang walang konkretong panganib na si Duterte ay tatakas, manguha ng ebidensya, o muling gagawa ng krimen dahil sa edad nito.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Kaufman, ang hiling na interim release ay maaaring isabay sa naka-iskedyul na confirmation of charges hearing sa Setyembre.

What do you feel about this article?