Balitang A2ZLatest News

3 senador, tutol sa pagharang ng Korte Suprema sa impeachment laban kay VP Sara Duterte

Kinontra nina Senador Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, at Bam Aquino ang pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Kinontra nina Sen. Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, at Bam Aquino ang pagpapawalang-bisa ng Korte Suprema sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang joint statement, iginiit ng mga senador na legal at makatarungan ang pag-usad ng kaso base sa batas at napanahong interpretasyon nito.

Kasabay ng pagtuligsa sa biglaang pagbabago sa depinisyon ng “initiate”, hinimok nila ang Korte na isaalang-alang ang “fairness principle” at “doctrine of operative facts” para igalang ang mga ginawang aksyon ng Kongreso alinsunod sa konstitusyon.

Dagdag pa ng tatlong Senador, hindi anila sila nanumpa para lang protektahan ang mga posisyon sa gobyerno alinsunod sa mga teknikalidad ng Saligang Batas kundi ang protektahan ang konstitusyon, at karapatan ng mga Pilipino sa katotohanan at katarungan.

ADVERTISEMENT

Matatandaang idineklara ng SC ang articles of impeachment ni Duterte bilang “unconstitutional” sa unanimous vote na 13-0, alinsunod sa one-year bar rule.

What do you feel about this article?