People’s SONA, isasagawa ng iba’t ibang progresibong grupo | News Light

๐Ÿ“…  |  โœ๏ธ Updated
๐Ÿ‘ค Nayomi Almojano  |  ๐Ÿ“‚ SONA 2025, Latest News, News Light
Pagsusunog ng effigy na ‘ZomBBM’ at ‘SaraNanggal’ sa kilos-protesta ng Bagong Alyansang Makabayan – Timog Katagalugan, July 28, 2025.

Nakatakdang magsagawa ng kilos protesta ang mga progresibong grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan, labor groups tulad ng Kilusang mayo Uno, at environmental groups kabilang ang Kalikasan People’s Network sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Mula sa isyu ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, problemang pangkalikasam at pananagutan sa anila’y hindi ramdam na flood control projects tampok sa kilos protestang isasagawa ng mga grupo.

Sigaw ng Bagong Alyansang Makabayan – Timog Katagalugan o Bayan TK, panagutin ang administrasyong Marcos sa anila’y kapalpakan nitong tugunan ang probelma sa disaster response partikular na sa flood control projects.

ADVERTISEMENT

Matatandaang isang linggo bago ang SONA, nalubog sa baha ang malaking bahagi ng bansa.

Taon-taon na itong scenario tuwing may bagyo na anila’y taon-taon na ring hindi masolusyonan ng gobyerno.

Ayon sa grupo, hindi dapat maging ‘new normal’ gaya ng sinabi ng Pangulo kung hindi konkretong aksyon dapat.

ADVERTISEMENT

Winasak at sinunog din ng grupo ang effigy ng pangulo na tinawag nilang ‘ZomBBM’ na hango sa zombie na simbolo anila ng sunud-sunurang Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Sinunog din ang ‘SaraNanggal’ na effigy ni Vice President Sara Duterte na simbolo naman anila ng pagsalakay ng bise sa pondo ng bayan.

Dahil marami-raming progresibong grupo ang inaasahang magsasagawa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue, inaasahan din ang bahagyang pagbagal at pagbigat ng daloy ng trapiko.

ADVERTISEMENT