Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino—hindi sila ang laging pupunta sa malalaking ospital.
Sa paglulunsad ng Philhealth Yakap program o yaman ng kalusugan layunin ng pamahalaan na mas mapalapit ang check-up, gamot, lab tests at screening sa mga komunidad.
Giit ng pangulo maraming namamatay sa mga probinsya dahil huling-huli nang nadadala sa ospital ang mga pasyente.
Libre ring makakakuha ng cancer screening ang mga miyembro sa mga partner hospital basta may reseta mula sa primary care providers.

