Balitang A2ZLatest News

Lolo at ang kanyang motorsiklo, nalubog sa baha sa Iloilo

Samantala, sa kasagsagan ng masamang panahon ay nalubog po sa baha ang isang lolo sakay ng kanyang motorsiklo sa isang bahagi ng kalsada sa Barangay Banate, Libertad, Iloilo.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Samantala, sa kasagsagan ng masamang panahon ay nalubog po sa baha ang isang lolo sakay ng kanyang motorsiklo sa isang bahagi ng kalsada sa Barangay Banate, Libertad, Iloilo.

Sa video, makikita na sinubukan ng lolo na daanan ang rumaragasang baha pero nalubog siya kasama ang kanyang motorsiklo.

Agad namang kumilos ang mga residenteng nakasaksi sa insidente.

Nailigtas ang lolo sa banta ng baha gayunpaman, tuluyan nang naanod ang kanyang motorsiklo.

Samantala, gumuho ang lupa na may kasamang bato sa bahagi ng Rockshield, Kennon road sa Tuba, Benguet bandang alas otso y media ng umaga dahil sa tuluy-tuloy na ulan hatid ng Bagyong Emong.

Kita sa video na natabunan na ang daan paakyat ng Baguio City.

ADVERTISEMENT

Agad namang umaksyon ang Tuba Municipal Police Station para magbantay at siguraduhin ang kaligtasan ng publiko.

Patuloy naman na hindi nadadaanan ang kalsada ngayon kaya hinihikayat ang mga motorista na paakyat ng Baguio o papuntang la union na dumaan na sa ben-palispis o Marcos Highway o sa naguilian road para iwas aberya.

Wala namang nasugatan sa naturang insidente.

What do you feel about this article?