Balitang A2ZLatest News

Klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa QC, suspendido sa araw ng SONA

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Quezon City sa Lunes, July 28.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Quezon City sa Lunes, July 28.

Ayon sa Quezon City LGU, layon ng city wide class suspension na maiiwas ang mga mag-aaral na maipit sa trapiko.

Gayundin na makapakinig ang mga ito sa ika-apat na state of the nation address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gaganapin sa batasan pambansa.

What do you feel about this article?