Balitang A2ZLatest News

Charity boxing match sa pagitan nina Davao City Acting Mayor Baste Duterte at PNP Chief Nicolas Torre III, tuloy na tuloy na

Inaayos na ang magiging boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum na pagdarausan ng "Charity boxing match" nina Acting Davao City Mayor Baste Duterte at PNP Chief Police General Nicolas Torre…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Inaayos na ang magiging boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum na pagdarausan ng “Charity boxing match” nina Acting Davao City Mayor Baste Duterte at PNP Chief Police General Nicolas Torre III.

At bilang paghahanda para sa inaabangang laban sa Linggo ipinakita din ang pagtakbo ni Torre sa PNP oval umaga ng Biyernes kahit sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Habang inanunsyo na rin ng Games and Amusements Board ng Office of the President ang Resolution no. 202508 para maging legal at tiyakin ang intergridad at kaligtasan ng boxing match ng heneral at ng batang Duterte.

Kasama rin sa inilabas na resolusyon na kailangang magrekomenda ang ahensya ng kwalipikado at accredited na referee.

ADVERTISEMENT

Samantala, sa kabila nito, ibinahagi ng National Bureau of Investigation ang impormasyon na nagsasabing namataan si Baste Duterte kasama ang pamilya at staff patungong Singapore lulan ng scoot flight RT-369, alas siete ng umaga ngayong Biyernes.

What do you feel about this article?