
Inaliw ng Sangguniang Barangay ng Salawag, sa Dasmariñas City, Cavite, ang kanilang kabataang evacuee kahapon, sa pamamagitan ng film showing.
Sa paraang ito ay maiiwasan ang paggagala ng mga kabataan sa lugar at maiibsan din ang posibleng lungkot o pangamba dulot ng kalamidad.
Bukod dito, tuloy-tuloy naman ang Sanggunian sa pamamahagi ng pagkain sa pamilyang apektado ng baha, sa pangunguna ni Kap. Eric Paredes, sa tulong naman ng Pamahalaang Panlungsod ng Dasmariñas.
